Friday, August 7, 2009

issue no. 8

Bigyang Pugay: Ang Ating Wika

Ang buwan ng Agosto ang pagkakataong inilaan upang bigyan ng mariing pagninilay ang tunay na kahulugan ng ating pagka-Pilipino. Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, palagian na nating naiiuugnay ito sa mga bagay na sumasagisag sa ating bansa, mga simbolo na tatak-Pinoy.

Ang ating wika, ang wikang Filipino na kinilala bilang Wikang Pambansa ay isa sa matibay at mahalagang kasangkapan na kinikilala sa atin bilang mga Pilipino. Ang sarili nating wika ang nagbibigkis sa mahigit 7,000 mga pulo tungo sa pagkakaisa. Ito ang kasangkapan sa pagpapalaganap ng pagkakaisa, pagkamakabayan, kagitingan, kagalingan at mga bagay na sumasalamin sa mabuting adhikain para sa bayan at mga mamamayan.

Wala nang tatamis pa sa wikang sarili na ating binibigkas sa tuwi-tuwina. Ang yaman ng ating kultura ay mas maipapalaganap at madarama sa pamamagitan ng ating sariling wika. Sa diwa ng isang Pinoy, ang kanyang wika ang pinagmumulan ng kanyang pagpapahalaga sa kanyang sarili bilang Pilipino. Saan mang rehiyon ka nagmula, ang Wikang Filipino ang pagkikilanlan na ikaw ay isang Pinoy.

Sa paaralan itinuturo ang pagpapahalaga sa wika, ngunit ang paggamit nang may pagmamalaki ay magkaminsan nababahiran ng makakanluraning pagpapahalaga dahil sa media o impluwensiya ng iba. Kung paano ito mas lalong bigyan ng pagpapahalaga at pagmamalaki ay isang malaking hamon sa mga guro, magulang at mga taong may pagkalinga sa ating kultura.

Ang HCEC ay may malinaw na paninindigan na maging kasangkapan sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng kahalagahan at katuturan ng wikang sarili sa pamamagitan ng paglulunsad at pagsasagawa ng iba’t-ibang gawain na magtuturo sa kasanayang ito ng pagkakaroon ng isang wikang pagkakakilanlan ng ating pagka-Pilipino.
Sa buwang ito, ang mga mag-aaral at mga guro ng HCEC ay magbibigay pugay sa ating wika sa pamamagitan ng mga pampaaralang-gawain tulad ng pagsulat ng sanaysay, paggawa ng poster, pag-awit at pagtatalumpati. Sa mgagawaing ito, nalilinang sa mga mag-aaral ang kasanayan sa paggamit ng wikang Filipino at naikikintal sa kanilang murang isipan na ang pagiging Pilipino ay naisasalarawan sa sariling wika. Ang buwan ng Agosto ay isang pagpupugay sa wikang sarili ng mga Pilipino.

Bigyang Parangal: Ang Mga Pilipino
Ako ay Pilipino, taas noo kahit kanino . . ang Pilipino ay ako.
Kailan mo naramdaman na ipinagmamalaki mo na ikaw ay isang Pilipino? Marami ng pagkakataon sa ating kasaysayan ang nagtala ng mga pangyayari na nagbigay sa atin ng dahilan upang ating ipagmalaki na tayo ay mga Pilipino.

Dapat nga bang ipagmalaki ang ating pagiging Pinoy? Ikaw, ano ang nagawa o ginagawa mo bilang isang Pilipino?
Bilang parangal sa atin bilang mga Pilipino, isulat at ibahagi mo ang mga bagay na nagawa o ginagawa mo na dapat ipagmalaki bilang mga Pilipino. Di kailangan na ikaw ay maging isang tanyag na tao upang may magawa. . . kailangan lang na ikaw ay isang Pinoy, sa isip, sa salita at sa gawa.

Kasanayang Pangwika,itatampok

Bilang bahagi ng pagdiriwang para sa Buwan ng wika, ang mga grade schoolers ay magsasagawa ng mga pangkasanayang pangwika tulad ng paggawa ng poster, pagtula, pagsulat ng sanaysay, pagbigkas o talumpatian, pag-awit at pagsasadula. Ang lahat ng mga mag-aaral ay may kalayaang lumahok sa anumang paligsahang itatampok.

A. Para sa Baitang 1-3
1. Paggawa ng Poster
2. Pagtula – piyesang ibinigay; mayroong eliminasyon na isasagawa, tatlong panalo sa bawat baitang, ang unang gantimpala ang kasama sa pangwakas na palatuntunan
3. Pag-awit- OPM, minus-one,o sa saliw ng isang instrumento, mayroong eliminasyon na isasagawa, tatlong panalo sa bawat baitang, ang unang gantimpala ang kasama sa pangwakas na palatuntunan

B. Para sa Baitang 4-6
1. Pagsulat ng Sanaysay
2. Talumpatian- ang sanaysay na mapipili ang gagamiting piyesa sa pagtatalumpati. Ito ay bukas sa lahat ng mag-aaral mula sa intermedya. mayroong eliminasyon na isasagawa, tatlong panalo sa bawat baitang, ang unang gantimpala ang kasama sa pangwakas na palatuntunan
3. Pag-awit – OPM, minus-one,o sa saliw ng isang instrumento, mayroong eliminasyon na isasagawa, tatlong panalo sa bawat baitang, ang unang gantimpala ang kasama sa pangwakas na palatuntunan

C. Para sa lahat: Pasulat na Tagisan ng Talino
Ang mga eliminsyong nabanggit ay gaganapin sa isang linggo, Agosto 12- 14, 2009.

Nutri-Eco Culminating Program staged finally

Outdoor activities are dependent on good weather, unluckily; the set Nutri-Eco Culminating Program last Friday was cancelled because of the bad weather. This Friday, the most awaited program was finally seen. Bravo and cheers to the Organizing committee headed by Mdm. cEcil Sadang, to the Grade school teachers and to sir Melvin Federis, the Head of Student Affairs for beeing in the steering wheel of the July activities.

August 18-20 marks the First Term Exam

It’s time to measure the pupils’ level of performance after the more than two months of getting the instructions from the teachers, gathering information and knowledge, mastering the skills and competencies. The time to test the level of learning and understanding through the paper and pen evaluation is set to take place on August 18-20, 2008.
The First Term Exam covers the lessons from week no.1 to week no.9 stated in the Parents' Involvement Kit (PIK).

First Term Exam Schedule

Day 1
Grade 1 & 2
Science,Filipino
Computer
Grade 3-6
Science, Filipino
Char.Ed/ Religion

Day 2
Grade 1-6
Math, SLE

Day 3
Grade 1-2
English
Char.Ed/ Religion
Grade 3-6
English
MAPE
HELE

Learning Holiday on August 17

To give the pupils enough time to prepare themselves for the exams, Learning Holiday is given to the Grade School pupils. Learning Holiday is usually the day before the major exam. This August 17, classes is off in the afternoon. During this day, teachers conduct review sessions, drills, exercises and last minute instructions. Periods are shortened to accommodate all subjects.

Policies on Special Exams

In case a pupil will not be able to take the examination on the scheduled dates, she should take the special exam dates one week after the scheduled exam or as per discretion of the principal in case of sickness or hospitalization.
Procedure in getting the Special Exam Permit. Parents/ guardians shall accomplish a Special Exam Request Form at the Registrar's Office. Submit the Special Exam Request Form with the excuse letter/ Medical Certificate as attachments to the Office of the Principal for approval and scheduling. Pay the Special Exam fee of Php 50.00 per subject to the Cashier's Office if absence is NOT a medical reason. Secure the Pink Form and the Special Exam Permit which will be presented during the exam. Be informed that the teachers shall prepare a separate and different test questions for the Special Exam. Failure to take the test on the special schedule will mean a failing grade for the term exam. Strictly no processing of test permit during the exam days. Last year’s cooperation and adherence to school policies of the HCEC parents resulted in a hassle, worry-free exam days. Test Permits were processed, released and submitted to the class advisers days before the exam days. This term exam, the school expects that there will be no long queue at the accounting office on the first day to pay the bills and claim the test permits. This practice does not help the pupils to have the correct mind set for the exam. They are put under stress and the energy supposed to be spent for cognitive activities are consumed in that stressful time of lining-up. This mind condition will surely affect the pupil's performance during the exam.

The Pink Form which serves as the Test permit should be claimed days before the term exam and not on the day of the exam. For special cases, prior arrangements can be made with the Accounting office days before the exam.
The school is once again asking for the cooperation of the parents and guardians regarding this matter. Let's provide our kids worry-free exam days. Pay your school bills early.

HCEC Bamboo Flutists

Applied Music Class has a new baby, the HCEC Bamboo Flutists who are still undergoing their workshop. These flute tyro had their first performance during the Nutri-Eco Culminating Program. Expect for more music from our very own HCEC Bamboo Flutists. Their first public performance merited them one (1) ARA point.

No comments:

Post a Comment